30th Quezon City Barangay Day
Date: September 30, 2025
Happy 30th Barangay Day, Quezon City!
Ating ginawaran ng iba't ibang awards bilang pagkilala sa best practices at programs ng ating mga barangay ditto sa Quezon City na siyang idinaos nitong 30th Quezon City Barangay Day.
Kasama natin si Mayor Joy Belmonte sa paghahandog ng awards kung saan siya rin ay naghandog ng kanyang talumpati para sa ating mga lingkod bayan upang ipagpatuloy ang tapat at may malasakit sa Diyos at sa kapwa na serbisyo para sa lahat.
Kabilang rin sa mga nakibahagi ng Programa sina Department of the Interior and Local Government Usec. Rolando Puno, Liga ng mga Barangay sa Pilipinas National President Jessica Dy, Majority Floor Leader Councilor Aly Medalla, Barangay and Community Relations Department head Ricky Corpuz, QC Liga ng mga Barangay President Councilor Mari Rodriguez, at iba pang department heads.
Isang taos-pusong pagbati po para sa lahat ng ating napakahusay na QC Barangays!




















