Ika-147 na taong Anibersaryo ng pagsilang ni Pangulong Manuel L. Quezon
Date: August 20, 2025
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte at ng inyong lingkod ang paggunita sa ika-147 na taong anibersaryo ng pagsilang sa tinaguriang Ama ng Bansang Pilipinas, na siya ring tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa.
Ayon kay Pangulong Quezon, “Ang wika ang syang nagpapahayag ng mga kaisipan at mithiin ng isang bayan.” Ngayong Buwan ng Wika, bilang pag-alala sa kapanganakan ni Manuel L. Quezon, ating gamitin ang ating wika upang magpahayag ng pagmamahal sa ating pamilya at sa ating bansa, higit sa lahat, gamitin natin itong sandata sa pagkamit ng kaunlaran, kapayapaan at kalayaan mula sa kahirapan at kamangmangan.
Sama-sama nating itaguyod ang wika at lahing Pinoy!






















