Manuel L. Quezon Filipino Language and Literature Scholarship Program
Date: January 28, 2026
Isa na pong ganap na programa ng Lungsod Quezon ang Ordinance No. SP-3458, S-2025 na ating pangunahing isinulat—ang Manuel L. Quezon Filipino Language and Literature Scholarship Program.
Sa pamamagitan ng programang ito, mas mabibigyan ng suporta at pagkakataon ang mga mag-aaral na nais pag-aralan at paunlarin ang wikang Filipino at panitikang sariling atin. Isa itong hakbang para palakasin hindi lamang ang edukasyon, kundi pati ang ating identidad at kultura bilang mga Pilipino
Nawa’y mas marami pang kabataan ang maengganyong mahalin, gamitin, at ipagmalaki ang ating wika—dahil ang kaalaman sa sarili nating panitikan ay pundasyon ng mas matibay na kinabukasan.
