QUEZON CITY FLOOD SUMMIT 2025
Date: January 8, 2026
Rising Above Floods: Building Resilient Cities
Ito ang tema ng isinagawang QUEZON CITY FLOOD SUMMIT na dinaluhan ng QC Council, kasama si Konsehala Doray Delarmente.
Tinalakay dito ang iba't-ibang paraan upang maging FLOOD RESILIENT ang ating syudad.
Sabi nga ni QC Mayor Joy Belmonte, hindi dapat tiisin ng mga mamamayan ang paulit-ulit na epekto ng kalamidad. Sang-ayon ang #SerbisyongMulaSaPuso sa pahayag ni Mayor Joy na bilang mga lingkod-bayan, nasa atin ang responsibilidad na tiyaking ligtas sa kapahamakan at maayos ang kalagayan ng mga residente, ano mang sakuna ang tumama sa ating lugar.
Malaking tulong sa paghahanda ang naganap na Quezon City Flood Summit, sapagkat nakakuha ng impormasyon ang lokal na pamahalaan ng QC mula sa mga eksperto kung paano matitiyak ang katatagan ng mga LGU sa panahon ng sakuna. Ito ay sa tulong ng science, engineering solutions, at urban planning.
Ang Quezon City Governmentay bumuo ng Drainage Masterplan bilang bahagi ng paghahanda. Nariyan din ang pag-upgrade sa drainage lines, pagtatatag ng Project Terra na pag-integrate ng detention basins sa ilalim ng mga basketball court, at pagtatayo ng retention pond sa Quezon Memorial Circle.
Asahan ninyo na seryoso ang lokal na pamahalaan ng QC na solusyonan ang problema sa baha sa ating syudad upang dumating ang panahon na wala nang lugar sa QC ang makararanas ng pagbaha.













